Cristy Fermin Ibinuking Ang Totoong Dahilan Kaya Umalis si Liza Soberano sa Management Ni Ogie Diaz!

Miyerkules, Marso 1, 2023

/ by Lovely

     


 Ipinahayag ni Manay Cristy Fermin, sa isang episode ng kanyang show na Cristy Ferminute, kung ano ang pinaniniwalaan niyang tunay na dahilan sa pag-alis ni Liza Soberano ng Pilipinas.


Ayon kay Cristy Fermin, may mga pahiwatig na ayaw lang gawin ng aktres ang ipinagagawa sa kanya ng Star Cinema at ABS-CBN bilang kanilang artista.


Dagdag pa ni Manay Cristy na tila smokescreen lang ang inisyal na dahilan ni Liza tungkol sa pagtupad sa kanyang pangarap na mapabilang sa  Hollywood. 


"Ito pala yung ano, ito pala ang tunay na dahilan kung bakit ka umalis ng Pilipinas. Hindi yung, gagawin mo pang sangkalan yang Hollywood, na butas ng karayom ang lulusutan mo bago ka makapasok,” maanghang na pahayag ng kolumnista.


Ayon pa kay Manay na dapat ay inamin na lamang ni Liza ang totoong dahilan at hindi na sana ito nagpapaligoy-ligoy pa.


“Gagawin mo pang mangatuwiran ng kung anu-anong blah blah blah. Eto lang pala. Ayaw mo pala yung mga pinagagawa sa 'yo ng Star Cinema, ng ABS, ayaw mo pala yung pamamalakad ng manager mo, ayaw mo pala lahat yun,” pagpupunto ni Cristy Fermin.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo