Liza pinag-aabang sa Superman dahil di nakapag-audition sa Spider Man

Sabado, Marso 11, 2023

/ by Sparkle

 


Muling binanatan ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin si Liza Soberano matapos mapabalitang minsan siyang naimbitahan na mag-audition bilang 'Mary Jane' sa pelikulang Spider Man.


Sinabi ni Careless CEO Jeffrey Oh na inalok si Liza na mag-audition sa naturang Marvel character pero hindi ito pinayagan ng dating management dahil sa kontrata nito sa ABS-CBN.


“Imagine a Filipina actress was one of the biggest Marvel movies in history. Imagine, she (Liza) was Mary Jane, what that would do for Philippine entertainment. She could’ve been representing our country all over the world. There are other stars in the same situation,” dagdag pa ni Jeffrey.




Sabi ni Cristy sa kanyang vlog, hindi makatotohanan na haharangin siya ng dating manager na si Ogie Diaz na mag-audition sa naturang malaking pelikula na isang malaking karangalan para sa bansa.


“Ako si Ogie Diaz, ako yung manager, aba’y napakalaking karangalan na alaga ko yun, leverage na ‘yan among other stars na nag-audition sa Spider Man.


“Naku Ineng tama na yang Spider Man, abangan mo na lang yang Superman baka sakaling dun ka makapag-audition…” patutsada ni Cristy kay Liza na aniya pa’y napakadami nang sinasabi kaya tuloy hindi na tigilan ng mga bashers.




Lumalabas din na delusional si Liza dahil kahit ang 'Hello, Love, Goodbye' movie nina Kathryn Bernado at Alden Richards ay inaangkin pa rin at sinabing dapat kay LizQuen. Puwede raw munang ialok sa kanila ang pelikula, pero hindi naman ganoon kalaki ang kinita ng pelikula kung natuloy ito sa LizQuen.


Dahil dito, may mga fans na nagsasabi na hindi lang ungrateful si Liza kundi delusional din.


Pinayuhan pa ni Cristy si Liza na manahimik at pinaalalahanan din siya na "no talk, no mistake."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo