Alden Richards Bumalik na sa EAT Bulaga

Sabado, Marso 11, 2023

/ by Sparkle

 


Alden Richards, bumalik sa Eat Bulaga ngayong araw, March 11.


Ito ay sa gitna ng mga isyung kinakaharap ng longest running television noontime show, ang Eat Bulaga. Sa kaganapang ito, marami ang umaasa na malalagpasan ng naturang palabas ang pagsubok na ito at patuloy nilang pasayahin ang kanilang mga tagahanga.


Sana rin ay makapag-celebrate sila ng 50 years, ayon kay Joey De Leon. Samantala, masayang-masaya ang Aldub Nation dahil ang pagbabalik ni Alden ang hinihintay ng marami.




Hindi magkamayaw ang audience nang lumabas si Alden at humarap sa Eat Bulaga stage. 


Sinalubong siya ng buong cast. Isa sa mga natuwa sa kanyang pagbabalik ay si Maine Mendoza na ilang taon niyang kasama on-screen.


Nagpahayag din ng kasiyahan ang iconic trio na sina Tito, Vic at Joey sa pagbabalik ng actor-host sa kanilang show at sa muling pagiging bahagi ng 'Dabarkads'.




Sa comment section, mapapansin ang Aldub fans na umaasa pa rin na magkatuluyan sina Maine at Alden.


Bumalik daw si Alden dahil magkarelasyon na talaga sila ni Maine. Lahat daw ng tungkol kay Arjo ay palabas lang.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo