Lauren Dyogi Sinabing Isang Content Creator na Lamang Ang ABS-CBN!

Linggo, Marso 12, 2023

/ by Lovely


 Ipinahayag ng Star Magic head na si Lauren Dyogi na ang ABS-CBN, na kilala bilang Kapamilya network, ay hindi na  isang television network kundi bilang isang content creator.


Kasunod ng hindi pagpapa-renew ng prangkisa ng ABS-CBN, nagsimula itong makipagsosyo sa mga streaming platform at iba pang network. 


Kamakailan lamang, inanunsyo na magkakaroon ng collaboration series ang ABS-CBN sa GMA-7, ang Unbreak My Heart.


Ang nasabing serye ay sa Switzerland kinunan at tampok ang Kapamilya stars na sina Jodi Sta Maria at Joshua Garcia, at Kapuso stars na sina Richard Yap at Gabbi Garcia.


Sa isang panayam kamakailan, ipinahayag ni Lauren Dyogi ang partnership na ito ng ABS-CBN at GMA. Malapit na rin umanong ipalabas sa Kapuso network ang nabanggit na serye.


Bago nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN, nagtatapatan na ito at ng GMA7 ngunit iba na ang sitwasyon ngayon, lalo na sa bahagi ng ABS-CBN at sa mga susunod pang proyekto nito. 


Sa ngayon, ang ABS-CBN ay tumatakbo bilang isang content provider para sa iba pang media outlet at hindi isang broadcast network.


“Di ba ang saya, ABS lang yung nakikita tayo kahit saan. For now, we’re not a network anymore because we don’t have a branch. We’re a media company, we’re a content creator now,” pahayag ng media executive.


Dagdag pa nito, “We’re very thankful to them for partnering with us in the same way A2Z has been with us from the start and now Channel 5 and all the other OTP platforms that’s been collaborating with us.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo