Ogie Diaz Niresbakan Ang Fan Na Nagsasabing Pinilit Niyang Mag-artista si Liza Soberano!

Linggo, Marso 12, 2023

/ by Lovely


 Agad na niresbakan ni Ogie Diaz ang isang netizen sa pagsasabi sa kanyang post na pinilit niya noon ang dating alaga na si Liza Soberano na maging artista.


Noong 2011 nang 13 years old lamang ang aktres na si Liza Soberano, ay nadiscover ng isang talent scout at kalaunan ay ipinakilala kay Ogie. 


Sa oras na iyon, ang batang si Liza ay nag-eextra sa pagiging model at gumagawa ng ilang trabaho para sa mga print ad.


Matapos ipakilala kay Ogie at makita ang kanyang potensyal, sinubukan siyang kumbinsihin ng talent manager na pasukin ang mundo ng showbiz.


Pumirma ng kontrata si Liza sa ABS-CBN at naging bahagi sa iba't-ibang pelikula at teleserye ng nasabing network.


Kamakailan, lumipat si Liza sa Careless matapos mag-expire ang kanyang kontrata sa ABS-CBN. Hindi na rin siya nag-renew ng kontrata kay Ogie. 


Samantala, umaani ngayon ng samu't-saring opinyon at komento ang isiniwalat na pahayag ni Liza sa panayam nito kay Boy Abunda. Kung saan sinabi niyang napilitan lamang siyang mag-artista dala ng kanilang pangangailangan.


Sa isang deleted tweet na ngayon ng isang netizens, ibinahagi niya ang kuhang larawan nina Liza at Ogie Diaz kalalip ang caption na, “Gusto niyang mag-modelo noon, pero mas kinumbinsi namin siyang mag-artista.”


“Pinilit lang syang maging artista. galing mismo kay @ogiediaz,” tweet pa ng netizen.


Agad naman itong sinagot ni Ogie Diaz at ipinagdiinan na hindi niya pinilit si Liza na mag-artista, kinumbinsi lamang niya ito.


“Wag mong ipilit na “pinilit.” Iba yung “pinilit” sa “kinumbinsi.” Pero kung trip mong paniwalaan yung katangahan mo, atih, ok. Gusto ko, happy ka,” sagot ni Ogie Diaz.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo