Anjo Yllana Nagsalita Na Hinggil Sa Isyu Ng Eat Bulaga!

Linggo, Marso 12, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng saloobin ang dating co-host ng Eat Bulaga na si Anjo Yllana hinggil sa kasalukuyang kinakaharap na kontrobersyal ngayon sa nasabing noontime show.


Naging co-host si Anjo Yllana sa nasabing show sa loob ng 21 years at napalapit na rin siya sa original hosts na sina Tito, Vic at Joey.


Ayon kay Anjo, marami na ang napagdaanan ng Eat Bulaga. Ilang show na rin ang tinatapat rito subalit hindi pa rin ito natitinag.


Sa tono ng pananalita ni Anjo, tila positibo siyang malalampasan ng show ang pagsubok na ito at mananatili rin sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon bilang host nito.


Ayon pa kay Anjo napaka-imposible nang mapalitan ng TVJ sa show dahil sila na ang nagsisilbing haligi nito mula pa noon.


Samantala, muli nang nagbalik bilang host ng Eat Bulaga si Alden Richards at masaya pang winelcome  ng mga host kasama ng TVJ ito.


Sa ngayon ay wala pa ring opisyal na pahayag mula sa bagong namamahala ng Tape Inc. hinggil sa pagtatanggal umano ng mga host ng show at pagpapalit ng bago.


Naging usap-usapan rin ang pagwe-welcome ng Net25 sa TVJ na ayon sa ilan ay tila sign na ito sa paglipat ng TVJ at ng Eat Bulaga.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo