Last Airing ng Tropang LOL Kumpirmado Na! Ogie Diaz Nalulungkot Para Sa Mga Host!

Linggo, Marso 26, 2023

/ by Lovely


 Isiniwalat kamakailan ng showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang vlog, na umano'y kumpirmado na ang pagkakahinto ng airing sa noontime show na Tropang LoL.


Ayon kay Ogie Diaz, nakipagmeeting na umano ang pamunuan ng nasabing show sa mga hosts nito.


“Ayun na nga, kasi nga confirmed na nga na magpapaalam na sa ere. Kasi nga nu'ng March 23, bago magsimula 'yung taping ng kanilang cycle ng 'LOL' ay 'yun nga, pinulong ng representative nung producer 'yung buong cast ng 'LOL'.”


Kumpirmado na rin umano na huling mapapanood ang Tropang LoL sa darating na April 29 at papalitan na ito ng Face To Face ni Karla Estrada.


“Inihayag na sila ay mag-e-end na, ang last airing nila ay April 29 at sila nga ay papalitan na ng 'Face to Face' ni Karla Estrada,” chika ni Ogie Diaz.


Sa nasabing vlog, inihayag rin ni Ogie Diaz na nalulungkot siya para sa mga host at staff ng show na mawawalan na umano ng trabaho.


"Sa totoo lang, nakakalungkot kasi nga, sabi ko nga, 'yung mga ABS-CBN production staff na karamihan ay nagtatrabaho doon sa LOL ay siyempre maghahanap na naman ng trabaho.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo