Rendon, Ibinahagi ‘Sunday Realization’, Sinabing Palamunin Ang Mga Fans Ni Coco Martin!

Linggo, Marso 26, 2023

/ by Lovely


 Sa kabila ng ‘nilangaw” na grand opening ng sports bar ni motivational speaker at social media personality Rendon Labador dahil walang bumili ng ticket, hindi umano ito magiging hadlang upang magpatuloy sa pagbubukas ng pangalawang branch niya sa Pampanga.


Matatandaang sinisi pa ni Rendon ang actor-director na si Coco Martin kung bakit walang bumili sa kanilang ticket para sa grand opening ng kanilang negosyo na pinaghandaan umano niya ng malaki.


“Grabe, napaka sakit nito 😔 Pinaglalaban ko lang naman ang karapatan ng mga negosyante. Parang ako pa yung naging masama. Ano nangyayari sa Pilipinas,” post ni Rendon sa kanyang Facebook account.


“Aanhin ko ang TRENDING sa buong Pilipinas kung wala namang bumibili ng tickets. Pinersonal na ako ng Coco fans,” dagdag pang rant ni Rendon.


Samantala sa panibagong post ni Rendon, napagtanto umano niyang walang pera at mga palamunin lamang ang mga fans ni Coco Martin. Kaya hindi umano afford ng mga ito ang ticket para sa kanyang grand opening.


"LUGI ANG EVENT, LUGI ANG INVESTMENT KO sa grand opening concert ng Episode Bar + Kitchen Pero kahit na ganon ang ngyari, sa positive side parin tayo tumingin at kunin ang mga lessons for us to be better. Eto ang nakita ko at mga na realize."


Agad naman itong pinutakte ng pambabash sa comment section ng kanyang post. Sinabi nilang kahit pa afford nila ang ticket hindi parin umano sila pupunta dahil sa kasamaan ng ugali nito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo