Alex Gonzaga, Hindi Nabigyan ng Offer Na Bumalik Sa 'I Can See Your Voice'!

Linggo, Marso 26, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa mundo ng showbiz ang balitang hindi umano nakatanggap si Alex Gonzaga ng offer upang makabalik sa music game show na I Can See Your Voice.


Ngayong taon, muling magbabalik ang nakakatuwang Kapamilya game show na “I Can See Your Voice” para sa ikalimang season. Muling magbabalik si Luis Manzano bilang host nito. 


Ang mystery music game show ay isang local franchise ng South Korean format.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, nakatanggap ng offer ang dating sing-vestigators na sina Wacky Kiray at Bayani Agbayani.


Agad namang tinanggap ni Bayani ang offer. Sa kabilang banda, hindi umano tinanggap ni Wacky Kiray ang offer dahil nais umano nitong mag-focus sa noontime show na Tropang LoL.


Sa ngayon ay nagsisisi umano si Wacky dahil napapabalita na ang pagkakatigil ng Tropang LoL sa pag-ere.


Samantala, naging malaking tanong para sa ilang mga netizens ang balitang ang dalawa lamang ang nakatanggap ng offer at hindi nakasama si Alex Gonzaga.


Matatandaan na isa si Alex Gonzaga sa original sing-vestigator ng nasabing show at naging mahusay naman siya sa pag-iintertain ng sa mga manonood.


Kaya naman tanong ng ilang netizen, isa nga ba ito sa epekto sa maling ginawa noon ni Alex sa mismong kaarawan niya?




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo