Alden Richards, Lalayasan Ang Eat Bulaga Kung Tatanggalin Sa Eat Bulaga Ang TVJ!

Linggo, Marso 19, 2023

/ by Lovely


Isiniwalat ni Cristy Fermin sa kanyang programa na aalis sa noontime show na Eat Bulaga ang aktor na si Alden Richards kung sakaling tatanggalin sa show ang iconic trio na TVJ.


Sa isang episode ng “Showbiz Now Na”, ibinahagi ni Cristy Fermin na nakausap niya si Alden at sinabi umano nito sa kanya na hindi tatanggapin ng aktor ang anumang offer ng bagong management ng “Eat Bulaga” kung hindi kasama rito ang TVJ.


“Ito po ang totoo at ito po ay sa akin niya talaga sinabi, na anuman daw pong offer ang ibigay sa kanya ng bagong pamunuan ng Eat Bulaga, hindi siya sasama,” pahayag ni Cristy Fermin.


Puring-puri nga kay Cristy Fermin ang pagtanaw ng utang na loob ni Alden sa mga taong may malaking ambag sa kanyang tagumpay sa showbiz.


Matatandaan na sumikat si Alden sa tulong ng Kalye Serye  noon ng Eat Bulaga kung saan sumikat ang tambalan nila ni Maine Mendoza na AlDub.


“‘Yung mga tao kasi na talagang naging dahilan kung paano siya naging Alden Richards, oo artista na noon si Alden, oo TV star na siya pero ‘yung pag-akyat talaga nang todo-todo ng pangalan ni Alden Richards, nangyari ‘yan sa AlDub,” lahad pa ni Cristy.


 


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo