Klea Pineda, Pinakilala Ang Kanyang Girlfriend Sa Fast Talk With Boy Abunda!

Lunes, Marso 20, 2023

/ by Lovely


Ipinakilala na ni Klea Pineda sa publiko ang kanyang kasintahan sa episode ng "Fast Talk With Boy Abunda" nitong Lunes.


Ang "AraBella" star na si Klea Pineda ay may relasyon kay Katrice Kierulf, na nakilala niya sa pamamagitan ng isang common friend sa motorcycle riding community. 


Gayunpaman sinabi ni Klea na una niyang nakita si Katrice sa TikTok.


Nang tanungin siya ng King of Talk tungkol sa kanyang girlfriend, sinabi ni Klea na nasa studio talaga si Katrice. Kaya naman pinaakyat na ni Boy Abunda si Katrice sa stage.


"Naiiyak ako Tito Boy kasi finally she made it, she's speaking her truth already to everyone and I'm so proud of her, so very heartfelt talaga 'yung desisyon n'yo na 'to," saad ni Katrice.


Naitanong naman ni Tito Boy kay Klea kung kinunsidera ba niya ang nararamdaman ni Katrice sa kanyang pagbubunyag sa totoo niyang pagkatao.


"Na-excite siya for me, sobrang supportive niya sa akin and in-ask ko siya kung OK lang sa kanya kasi once na nag-out ako, mag-a-out na rin siya sa public."


"Ang sagot niya sa akin tito boy hinihintay lang naman kita. She's very supportive talaga ever since, since day one."


Nagbigay rin si Klea ng maikli subalit sweet message para kay Katrice.


"Thank you for everything, hun. Thank you and I love you so much," mensahe ng aktres.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo