Klea Pineda, Inamin Na Sinubukan Niyang Makipagdate Noon Kina Jak Roberto, Andre Paras at Jeric Gonzales!

Lunes, Marso 20, 2023

/ by Lovely


 Inamin ng aktres na si Klea Pineda na sinubukan din niyang makipagdate noon sa mga lalaki bago niya inamin maging sa kanyang sarili na isa siyang gay.


Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, sinabi ni Klea na nakipag-date siya sa ilang Kapuso stars, kabilang sina Jak Roberto, Jeric Gonzales, at Andre Paras pero hindi sila humantong sa isang committed relationship.


“First, after ‘Starstruck,’ nan diyan agad si Jak Roberto. Ilang months din kami nag date ni Jak, and umabot sa point na pinakilala ko siya sa family ko."


“Second is yung naka-love team ko si Jeric Gonzales. And then hindi siya official na nag-try but lumabas kami many times, si Andre Paras,” pahayag ni Klea.


Ayon pa sa kanyang naimpluwensyahan siyang makipagdate sa mga lalaki dahil na rin sa mga payong ibinibigay sa kanya na baka sakaling pwede pa siyang maging straight.


Gayunpaman, nararamdaman umano ni Klea na parating may kulang sa kanyang pakikipagdate sa mga lalaki.


“’Yung happiness, sobrang kulang. Hindi ko naman sinasabi na hindi ako sumaya sa mga guys na ‘to, pero may kulang."


“Whenever nakikipag-date ako sa girls or nagkakaroon ako ng girlfriend, iba yung saya ko, iba yung nararamdaman ko,” pag-amin ng aktres.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo