Iya Villania, Sinagot Ang Netizen Na Nagsasabing Unsafe Sa Mga Anak Ang Kanilang Bahay!

Linggo, Marso 12, 2023

/ by Lovely


 Agad na sinagot ng aktres na si Iya Villania ang komento ng ilang netizens patungkol sa ipinakita niya 'tiny house' sa social media.


May ilang netizens na nakapansin na may ilang designs ng bahay na napaka-unsafe para sa mga bata.


Gayunpaman tila chill lang si Iya Villania sa kanyang sagot sa mga netizens na naghayag ng pagkabahala sa disenyo ng kanilang bagong bahay. 


Nilinaw ni Iya na ang higaang nakita sa binahagi niyang picture ay stackable at nakalagay lamang umano sa pwesto na iyon para makuhanan ng litrato. 


Isang layer lang din umano sa naturang higaan ang kanilang ginagamit kapag tinutulugan nilang mag-anak.


Para naman sa mga bintana, naniniwalasi Iya na alam ng mga anak niyang hindi dapat umaakyat doon. Dagdag pa niya, kapag may makita siyang magiging problema ay ipapabago din daw niya ito. 


Ipinunto din niya na 48 square meters lang ang lawak ng bahay kaya makikita ang galaw ng kanyang mga anak.


Ginagamit na rin daw nila ang bahay mula noong Setyembre at mula noon ay inaayos nila ang mga nakikita nilang dapat maayos.


"FYI, we’ve been using this space since September 2022, and have been refining since then as we address the concerns for children so far, even my most daring and monkey child, Leon, hasn’t thought of climbing out the window," parte ng sagot ni Iya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo