Joel Lamangan Tinanggap Na Ang Pagkatalo Sa Pelikula ni Darryl Yap!

Linggo, Marso 5, 2023

/ by Lovely


 Tinanggap ng beteranong direktor na si Joel Lamangan na ang pelikula niyang Oras de Peligro ay natalo ng pelikula ni direk Darryl Yap na Martyr or Murderer.


Ang dalawang pelikula ay opisyal na ipinalabas sa mga sinehan noong Marso 1. Ang pelikula ni Direk Joel ay nagpapakita sa mga paghihirap na dinanas ng mga Pilipino noong panahon ng Martial Law


Habang ang pelikula naman ni Direk Darryl ay nagkuwento ng panig ng mga Marcos noong panahong iyon.


Matatandaan na bago ang showing ng pelikula, nagpalitan ng maalab na pahayag ang dalawang direktor laban sa isa't isa. 


Maging ang aktres na si Cherry Pie Picache na gumanap ng big role sa pelikula ni Direk Joel ay nagbigay rin ng maaanghang banat laban kay Direk Darryl.


Samantala ayon sa aming nakalap na impormasyon kumita ng 8 million ang pelikula ni Darryl Yap samatalang  half million lamang ang kinita ng pelikula ni Joel Lamangan.


Gayunpaman ayon kay Direk Joel lamangan expected na niya na mas maraming tao ang manonood sa pelikula ni Darryl Yap dahil sa bigayan ng ticket.


Tanging hiling lamang niya na sana ay kikita pa rin ang producer ng kanyang pelikula.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo