Xian Lim at Asheley Ortega Sinagot Na Ang Isyu Sa Pagitan Nila!

Linggo, Marso 5, 2023

/ by Lovely


 Sa wakas ay sinagot na nina Xian Lim at Ashley Ortega ang kontrobersyal na isyu sa pagitan nila na ilang araw nang naging mainit na usapan sa social media.


Ang dalawa ay naging magka-love team sa bagong teleserye ng GMA7 na Hearts on Ice.


Subalit, naging matunog ang isyung nagdi-date umano ang dalawa ng patago.


Gayunpaman, sa kamakailan media conference para sa nasabing teleserye, kaagad na pinabulaanan ng dalawa ang isyu at sinabing wala itong katotohanan.


Ipinagdidiinan pa ni Ashley na magkaibigan lamang silang dalawa ni Xian Lim.


“Kami ni Xian, we’re just friends. Siyempre, nakakatanggap din ako ng mga ganyang ano, almost every single day, pero dedma na lang ako. Si Xian din naman, he’s aware of it,” saad ni Ashley sa nasabing media con.


Ayon naman kay Xian ang pagkikita nila ni Ashley ay para lamang sa training nila sa skating para sa kanilang teleserye.


“We were skating on a public time in a public skating rink. So yun siguro mga emote-emote namin, nakikita ng public, eh siyempre magtataka sila kung bakit kaya magi-emote yung dalawa dito. So I think that's where it came from,” pahayag naman ni Xian.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo