‘Eat Bulaga’ papalitan ng ‘Wow Bulaga’! Willie Tuloy Na Ang Pagpapalit sa TVJ?

Linggo, Marso 5, 2023

/ by Lovely


 Sa gitna ng isyung internal conflict ng Eat Bulaga, may kumakalat ngayong poster kung saan kasama na ang bagong magiging host nito na si Willie Revillame.


Makikita sa poster ang mga larawan nina Jose Manalo, Wally Bayola at Miguel Tanfelix.


“Ang Bagong Barkada sa Tanghali!” mababasang teaser nito.


Matatandaan na lumabas ang balitang nagkaroon umano ng internal conflict ang Eat Bulaga kung saan ninanais umanong kunin ni Romy Jalosjos, dating kongresista, ang TAPE Inc., kay Tony Tuviera.


Kapag inalis umano si Tuviera ay sasamang magpapaalam ang ilan pang host ng programa kabilang na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon na tinaguriang iconic trio ng show..


Si Tuviera ang chief executive officer at presidente ng TAPE Inc., na siyang producer ng “Eat Bulaga” buhat pa noong 1979.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo