Jayson Hernandez Sinabing Wala Siyang Bitterness Na Nararamdaman Kay Moira Dela Torre!

Linggo, Marso 12, 2023

/ by Lovely


Nilinaw ng dating asawa ni Moira Dela Torre na si Jayson Hernandez na wala siyang nararamdamang bitterness kay Moira Dela Torre.


Sa isang panayam sa Dondon Sermino YouTube Channel, inamin ni Jayson na nasaktan niya si Moira kaya naiintindihan niya ito. Sinabi rin niyang wala siyang naramdamang bitterness para sa singer.


"It’s all good. I’m good. Walang bitterness, walang ano. Pero gets ko naman na nasaktan siya."


Matatandaan na noong nakaraang concert ni Moira, ilang beses niyang tila pinatamaan si Jayson hinggil sa panloloko umano nito.


Samantala, nang tinanong si Jayson kung nakapagmove on naba siya hayagan niyang sinabi na okay na siya ngayon. Nakapokus na lamang umano siya ngayon sa kanyang negosyo, kaibigan at pamilya.


“I think emotionally, I’m okay na, e. Siyempre sa simula, masakit, pero okay na. Like now, mas focus lang talaga ako sa family ko, sa business, sa friends.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo