James Reid Ipinakita Ang Kanyang Full Support Kay Liza Soberano!

Huwebes, Marso 16, 2023

/ by Lovely


 Sa gitna ng kontrobersiyang hinaharap ngayon ng kanyang talent na si Liza Soberano, ipinakita ni James Reid ang kanyang solid support sa bagong endorsement ng aktres.


Kumakalat at pinag-uusapan ngayon sa social media ang pagpapakita ng support ni James Reid kay Liza sa isang Instagram post.


Sa kanyang post, ipinakita ni James ang paggamit ng Maya X Liza filter.


Sa caption ipinahayag pa ni James ang kanyang mensahe para sa aktres at sa pag level up umano nito sa kanyang game.


"I like doing things my way, all the way. Proud of @lizasoberano for leveling up her game with the #1 digital bank app - Maya! Rock-solid security AND up to 10% p.a. savings interest in an all-in-one banking app? Sign me up."


Agad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. May mga sumuporta sa kanila subalit patuloy naman silang binabatikos ng ilan.


"Kahit ano pang sabihin at iisipin Ng iba sayo James,,I'm still rooting for you,,go soar high don't mind your basher they don't even know you."


"Pinagpipilitan nyo talaga. Eh nagpalit na nga ng name kasi hondi nag click noong Paymaya pa."


Matatandaan na kamakailan lang din nang magtrending ang bagong endorsement ng aktres sa Maya, kung saan kinatuwaan pa ito ng ilang netizens.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo