Darryl Yap Sasampahan Ng Kaso Ang Nagsasabing Isa Siyang Ped0phile!

Huwebes, Marso 16, 2023

/ by Lovely


Tila hindi na nakapagtimpi si Direk Darryl Yap sa mga bashers na tinatawag siyang pedophile.


Ayon kay Direk Darryl Yap, aabot na sa 40 katao ang kanyang ididimanda dahil sa pagtawag umano sa kanya na isang pedophile.


Hindi naman daw totoo ang paratang ng mga basher na sinasabing pedophile siya o nang-aabuso siya ng bata.


“Hindi ako pedophile, Hindi ako nang-abuso ng bata o ng tao, wala akong ganyang record o kaso,” giit ni Darryl Yap.


Ipinunto din niya na hindi magandang gawing pang-asar sa kanya ang pagiging pedophile dahil nakasira umano ito sa kanyang pagkatao.


“Hindi po asaran yang isyu na yan, yan po ay paninira at pananabotahe ng imahe at karera,” wika pa ng direktor.


Paglilinaw pa niya na handa siyang makipag-asiran at makipagbardagulan. Kahit pa umano magdamag na magbabatuhan ng panlalait ay handa siya.


Subalit, ibang usapin na umano ang pambabato ng paninira laban sa kanya.


“Wala pong problema sa akin kung magbardagulan, mag-asaran o maglaitan tayo magdamag; basta ang basehan ay ang pansariling panlasa, opinyon at content, hindi gawa-gawang paninira dahil walang maibato.”


Matatandaan na noon pa man ay nagbigay na ng babala si Direk Darryl Yap sa mga taong naninira sa kanyang pangalan at tila ginagawang biro ang pagtatawag sa kanyang pedo.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo