Finally! Maegan Aguilar at Freddie Aguilar Nagkaayos Na?

Huwebes, Marso 16, 2023

/ by Jerome

 

Maegan Aguilar at kanyang amang si Freddie Aguilar ay nagkaayos na?

Ito umano ang ibinahagi ng asawa ni Freddie Aguilar sa kanyang TikTok account.


Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang matagal na panahon na pagtatampuhan ng mag-ama na nagdulot sa pagrerebelde at pagsuway ni Maegan sa gusto ng kanyang ama para sa kanya.


Kung matatandaan nitong kamakailan lamang ay naging mainit sa social media ang issue ni Maegan sa kanyang amang si Freddie Aguilar.


Matapos itong humingi ng tulong sa tanggapan ng Senador na si Raffy Tulfo sa pamamagitan ng programa nitong Raffy Tulfo in Action, dahil nga sa kinakaharap nitong mga pagsubok sa kanyang buhay.


Isinisisi ni Maegan sa kanyang ama ang lahat ng kanyang pinagdaraan dahil nga daw sa kapabayaan ng kanyang ama kaya naging miserable ang kanyang buhay.


Subalit tila pinagsisisihan na ni Maegan ang kanyang nagawang pagkakamali dahil nga sa napabalitang pumunta na ito sa bahay ng kanyang ama upang personal na humingi ng kapatawaran sa kanyang mga nagawang kasalanan.


Ang asawa umano mismo ni Freddie Aguilar na si Asadela ang siyang nagbahagi ng balita. 


Sabi nga niya sa kanyang TikTok ay, "Bumisita siya dito kahapon sa bahay hinarap siya ni Freddie habang panay ang pagsambit niya ng sorry."


"Madami siyang sinabi at dahilan ngunit niyakap lang siya ng kanyang ama, kahit papano naman anak niya parin si Maegan."


Dagdag paniya, "Para po sa kaalaman ng lahat na ok na po sila, ngunit hindi pa siya puweding tumira dito sa bahay, gusto kasi ng kanyang ama na tumayo na siya sa kanyang sariling paa."


Sabi pa niya, "Kung makikita at mararamdaman na umano ni Freddie ang kanyang tuloyang pagbabago, ay baka bumalik nadin ang dating pagsasamahan nila."


"Ngayon po kasi ay limitado parin po para na din po sa ikakabuti ng lahat, kaya pakiusap ko po sa inyo please sa kanya."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo