Ilang Creative Staff Ng Eat Bulaga Nakatanggap Na Ng 'Notice To Retire' Mula sa TAPE Inc.

Huwebes, Marso 30, 2023

/ by Lovely


Sa kabila ng mga ulat na nagpasya na ang mga executive ng longest-running noontime show na Eat Bulaga na itigil ang napapabalitang rebranding ng programa, may mga bali-balita pa rin na hindi pa rin natatapos ang internal conflict ng show.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, tuloy pa rin ang mga executives ng TAPE Inc. sa pamumuno ng mga Jalosjos sa pagpaparetire ng ilang staff ng Eat Bulaga.


Ilang staff na rin umano ng Eat Bulaga ang nakatanggap na ng 'Notice to Retire' mula TAPE ngunit maaari pa rin silang bumalik sa trabaho kung handa silang tumanggap ng mas mababang posisyon at mas mababang sahod.


Matatandaan na nauna nang naiulat sa ilang mga entertainment sites ang pagnanais ng mga Jalosjos sa pagpaparetire kay Tuviera na siya producer ng Eat Bulaga.


Samantala, inaasahan ang magaganap na pressconference ng TAPE sa darating na April 15, upang bigyang linaw ang mga isyung ito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo