Toni Gonzaga Kumpirmado Daw Na Buntis Sa 2nd Baby Nito Pero Di Pa Niya Ito Isinasapubliko.

Huwebes, Marso 30, 2023

/ by Jerome

 


TV host actress na si Toni Gonzaga buntis daw sa 2nd baby nila ni Direk Paul Soriano, pero ayaw munang ibandera sa publiko.


Ayon sa kumakalat na usap-usapan ngayon sa social media na kumpirmadong buntis na daw ang TV host actress na si Toni Gonzaga pero ayaw daw muna itong isa publiko.


Matatandaang may mga haka-hakang buntis ang misis ni Direk Paul Soriano pero wala pang pag-amin mula sa pamilya ng mag-asawa ukol dito.


Maging ang mga magulang ng actress na sina Daddy Bono at Mommy Pinty ay tikom din ang bibig.


Pati ang kapatid niyang actress vlogger na si Alex Gonzaga ay himalang tahimik din.


Ayon naman sa isang source ay wala pa daw planong ilantad na buntis si Toni, pati kung ilang buwan ay hindi rin sinabi, siguro may hinihintay silang perfect time at baka ma stress lang daw ang actress pag-isinapubliko na nila.


Mapapansin din sa kanyang YouTube channel na tila may pagkakaiba sa mga dati niyang shots na dati-rati ay naka-light colors siyang damit at kinukunan siya nang malayuan habang naglalakad.


Pati narin sa kanyang huling vlog ay palaging half body lang ang kinukuhanan at itim din ang kanyang suot na damit.


Kaya naman hinala ng maraming mga netizens na buntis na  talaga siya.


Sa ngayon naman ay inaabangan ng mga netizens kung kailan nila ilalantad sa publiko ang kanyang pagdadalang tao.










Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo