Huling Video Ni Andrei Sison Bago Pumanw Karla Estrada Nagdadalamhati Sa Paglisan Ng Pamangkin

Biyernes, Marso 24, 2023

/ by Jerome

 

Nagviral ang huling video ni Andrei Sison bago nangyari ang kanyang pagpanaw, at Karla Estrada nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang pamangkin na anak ng kanyang kapatid.


Maugong na pinag-uusapan ngayon ang pagpanaw ni Andrei Sison sa napakabatang edad na 16 taon.


Base sa mga nakalap naming impormasyon, si Andrei ay na sangkot sa isang malaking aksidente habang binabagtas ang kahabaan ng Commonwealth Avenue kaninang madaling araw Friday ng March 24.


Si Andrei ay nadala pa sa pinakamalapit na Hospital upang maisalba subalit ito ay hindi na kinaya dahil narin sa tindi ng pinsala na kanyang natamo mula sa nasabing aksidente.


Bago ang masalimoot na pangyayaring ito ay nakapag-upload pa si Andrei sa kanyang TikTok accout na ngayon ay nagviral at ito ay puno ng mga mensahe ng pamamaalam mula sa kanyang mga taga subaybay.


Samantala nagdadalamhati din ngayon si Karla Estrada dahil sa maagang pagpanaw na ito ni Andrei.


Dahil pamangkin niyang buo ang yumaong si Andrei Sison, kapatid kasi ni Karla ang ina ng yumaong teen star.


Kaya naman pinsang buo din ng sikat na actor na si Daniel Padilla si Andrei Sison.


Dagdag pa dito ay masayang-masaya daw sana si Andrei dahil nakapasa siya sa Audition para sa Sparkle Artist.


Bagama't siya ay may connection sa showbiz ay pinagdaanan din niya umano ang mga hakbang upang siya ay makapasok sa showbiz industry.


Sa susunod sana na buwan ng Abril siya ay ilulunsad ng GMA bilang bagong Member ng Sparkle Artist, kaya naman marami ang nanghihinayang na ito ay hindi na matutuloy.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo