David Licauco Ginawang Birthday Surorise ni Zeinab Harake!

Biyernes, Marso 24, 2023

/ by Lovely


 Labis na tuwa ang naramdaman ni Rana Harake matapos siyang surpresahin ni Zeinab Harake.


Tinupad lang naman kasi ni Zeinab ang kanyang kahilingan na ma-meet in person ang kanyang iniidolong si David Licauco.


Noon pa man ay inaabangan na umano nila ang teleseryeng Maria Clara at Ibarra, kung saan gumanap si David Licauco sa papel ni Fidel.


Aminado rin si Rana na isa siya sa mga fans ng FiLay. o ang tambalan nina Barbie Forteza at David Licauco.


Kaya naman halos hindi makapaniwala ni Rana na nameet na niya in person si David Licauco.


Bago pa simulan ang surpresa, tinawagan na rin ni Zeinab ang partner ni Rana upang sabihin ang planong surpresa nito sa kapatid. 


Nilinaw naman ni Zeinab sa fans ng 'FiLay' na sila mang magkapatid ay pawang mga fans din na nagkaroon ng pagkakataong makasama ang kanilang iniidolong si David. 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo