Tropang LOL, Nakipag Negotiate Sa Net25! Lilipat Na Lang Sila Ng Timeslot?

Biyernes, Marso 24, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon online na ang Kapatid noontime show na Tropang LOL ay ililipat sa bagong timeslot at diumano ay nakikipagnegosasyon na sa Net25.


Ang nasabing noontime show sa TV5 ay produced by Brighlight Productions na pag-aari ni Bacolod City Mayor Albee Benitez. Base sa mga kumakalat na balita, na titigil na ang pagpapalabas ng Lunch Out Loud.


May mga lumabas ding tsismis na nagsasabing ililipat ang LOL sa ibang timeslot ngunit mas maikli ang oras ng pagpapalabas nito.


May mga usap-usapan din na nakipagnegosasyon na umano ang Brightlight Productions sa Net25.


 “Sabagay, posibleng kagatin ng EBC ang LOL dahil may followings na ito at matagal na ring gustong magkaroon ng noontime show ang NET25,” pahayag ng isang kolumnista.


Dati ay  may sariling noontime show ang Net25, ang Happy Time. It was hosted by Janno Gibbs, Anjo Yllana, and Kitkat. 


Gayunpaman, mayroon lamang itong 147 episodes at hindi na ipinagpatuloy ang palabas dahil nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Janno at Kitkat Favia. 


Isang social media word war ang nangyari sa pagitan nila. Ang insidente ay humantong sa pagbibitiw ni Kitkat.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo