Heart Evangelista Spotted Na Walang Kiyemeng Nagbuhat ng Halaman Sa Paris!

Miyerkules, Marso 8, 2023

/ by Lovely


 Kinatuwaan ng ilang mga netizens ang ibinahaging larawan ng fashion socialite na si Heart Evangelista sa kanyang Instagram account kung saan makikita siyang may bitbit na halaman.


Hawak-hawak niya sa puno ang isang medium-sized ornamental palm tree habang naglalakad sa lansangan ng Paris. 


Sa isang video na kalakip sa naturang post, ay nakalagay sa loob ng cart ang naturang halaman kasama ang iba pang mga pinamili niya.


Maririnig pa sa background ng video na talagang hindi nagpaawat si Heart sa pagbili ng mga halaman na nais nitong iuwi sa bansa.


Samantala narito ang ilang nakakatuwang komento ng mga netizens sa ginawa ni Heart.


"Yung nagpaalam ka hihingi ng dahon lang Tapos binibitbit mo buong halaman😂 char! Cute nyo po"


"When in Elementary, kay may additional points ang may dalang “plants”


"Nanghingi lang sa kapitbahay pero binunot lahat"


"Nanay ko kapag manghihingi malunggay sa kapitbahay😂"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo