Cristy Fermin May Mensahe sa Ama Ni Liza Soberano, Bakit Hindi Pinag-aral?

Miyerkules, Marso 8, 2023

/ by Lovely


Nagbigay ng mensahe si Cristy Fermin sa ama ni Liza Soberano na nagreact na rin umano sa isyung kinakaharap ng kanyang anak.


Sa latest episode ng programa ni Manay Cristy isa sa kanilang tinalakay ang naging reaction ng ama ni Liza Soberano sa mga isyung kinakaharap ngayon ng kanyang anak.


Isa kasi sa mga hinaing ni Liza ang pagkawala umano ng kanyang kabataan dahil maaga siyang pumasok sa showbiz. Tila ba'y naghimutok itong hindi na-enjoy ang ilang moments ng kanyang teen years.


"Nung sabihin ng anak niyo na inagaw ang kanyang childhood. Bakit nga kasi hindi niyo pinag-aral. Dapat pinapag-aral niyo ang anak niyo nang hindi pinasok ang pag-aartista," pagtatanong ni Cristy.


Sinigundahan pa ito ni Romel Chika na kasama niya sa programang Showbiz Now Na. Ipinunto pa nito na dapat ang magulang umano ang sisihin ni Liza kung bakit hindi siya nakapag-aral.


Dahil tila ang dating management ang sinisisi ng aktres kung bakit nawala ang kanyang kabataan.


"Isa yun sa mga ibinubutas ng ating mga kababayan na meron pa kayong paagaw-agaw ng childhood, ng happiness ng kanyang pagkatao. E kung ganoon lang din pala ang sasabihin mo e bakit ba hindi ka kasi pinag-aral ng mga magulang mo," pagpupunto nito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo