Erika Portunak at Kobe Paras, Hiwalay Na!

Biyernes, Marso 24, 2023

/ by Lovely


 Kinumpirma ng veteran actress na si Ina Raymundo na hiwalay na ang kanyang anak na si Erika sa nobyo nitong si Kobe Paras.


Ayon pa kay Ina, hindi nag-work ang long distance relationship ng dalawa. Gayunpaman, mutual decision naman ng mga ito ang paghihiwalay.


“No, they’re not together. Basta wala na, yun lang. Hindi nag-work. Long distance does not work. It’s a mutual decision. They’re good, no bitterness, nothing,” saad ni Ina.


Matatandaan na noong April 2021 nang umalis si Kobe sa U.P. Maroons varsity team para ipagpatuloy ang kanyang basketball career sa U.S. at kalaunan sa Japan. 


Ang kanyang kontrata sa Altiri Chiba team ng B.League Division II ng Japan ay nagtapos naman nitong March 2023. Samantalang si Erika ay kasalukuyang nag-aaral sa Berklee College of Music sa U.S.


Noong June 2022, kumalat ang mga isyung nagdi-date ang dalawa matapos kumalat ang mga sweet photos nila sa social media.


Subalit, matapos ang ilang buwan, napansin ng mga netizens na hindi na sila naka-follow sa isa't-isa.


Binura din nila sa kani-kanilang Instagram account ang mga larawan nila na magkasama.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo