Donbelle 'Huwag Tularan' Ang Jadine at Lizquen!

Miyerkules, Marso 1, 2023

/ by Jerome


Hindi nga maiikakaila na isa na sa pinaka maogong at pinaka sikat na love team ngayon ang Donbelle, mas lalo pa nga daw silang sisikat dahil kitang-kita naman daw ang mga atensyon at puporta sa mga projects na kanilang pinagtatambalan.


Malaking bagay din daw sa mga pelikulang kanilang pinagbibidahan, nakikita ang improvement ng dalawa lalo na daw pag dating sa pag arte.


Dagdag pa ang kanilang collective wish daw ay sa iba't-ibang director at mga screenplay writers ang kanilang makakacolaborate para naman daw hindi pare-pareho ang kanilang mga ginagawa.


Dapat din daw na hindi lang puro drama, comedy at romance ang kanilang mga janra dahil para hindi sila matali sa puro pagpapakilig at pag papacute lamang ang alam na gawin.


Samantala ang hiling naman ng mga netizen lalo na ang kanilang mga fans na sana ay wala daw umanong napipilitan sa dalawa, at yun talagang gusto nila, ang kanilang ginagawa.


Dagdag pa ng netizen na sana maging mas matibay pa ang kanilang love team at maging matatag ang Donbelle ng umabot daw sa KathNiel proportions ang lakas at kasikatan.


Wag din daw sana nilang tularan ang ibang mga loveteam na nasira ang samahan gaya ng Jadine at Lizquen.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo