Rosmar May Mainit Na Pasabog Kina Zeinab Harake at Rabiya Mateo!

Miyerkules, Marso 1, 2023

/ by Lovely


Naging mainit na usapin sa mundo ng social media ang ibinahaging mga screenshots ng CEO na si Rosemarie Tan Pamulaklakin na mas kilala bilang Rosmar.


Sa nasabing mga screenshots makikitang pinagtatawanan umano siya ng vlogger na si Zeinab Harake at ng beauty queen, actress na si Rabiya Mateo.


“Nakakalungkot naman,” caption ni Rosmar sa kaniyang latest Facebook post kung saan makikita ang “hahaha” nina Zeinab at Rabiya patungkol umano sa kaniya, na ibinahagi naman ng isang Kim Angelo Alfonso. 


Tila ang pinagkukumparahang  larawan ay sa kanila at sa katunggaling CEO na si Ms. Glenda Victorio.


Ibinahagi pa ni Rosmar ang screenshot ng komento ni Zeinab Harake kung saan sinabi nitong may karapatan siya matawa sa kung anong gusto niyang pagtawanan.


“Ang lilinis n’yo, pag kayo natawa pwede pag kami hindi? Nung kami yung tumawa masama agad pero sa dami ng basher at nag hahaha react palagi sayo unbothered ka? Awit whahahaha tinatanggalan n’yo na ba talaga kami ng karapatan matawa?"


"Di naman tayo friends or magkakilala personal te at isa pa sinong di matatawa eh obvious naman talagang ginaya 😂 May masama bang nasabe jan para masabe n’yong masama kami agad?"


"Sa totoo lang tayo mga be wag kayo nagagalit di ako nagagalit pag ako yung pinag tatawanan nyo ha kaya kalma mwa,” komento ni Zeinab.


Agad naman itong sinagot ni Rosmar,  “Idol pa naman kita. Naaalala ko pa nung kailangan mo ng props sa vlog mo, nag-tricycle pa ako sa Recto para maghanap ng mga kuneho."


"Dahil gusto ko dalhin sa’yo para makapagpa-picture man lang ako sa’yo, ending nagbago isip mo kaya di mo na kailangan ang kuneho, kaya di kita nakita. Pero inintindi ko na lang yun at inalagaan ko na lang yung mga kuneho.”




Samantala sa isang post, ibinahagi naman niya ang screenshot ng komentong pagtawa ni Rabiya Mateo sa kanyang larawan.


Kaya naman ipinaalala niya sa dating beauty queen ang kanyang naitulong noong kandidata pa lamang ito sa Ms. Universe.


“naaalala ko 1 year ago, humingi ng tulong sakin ang tita mo para pasikatin ka kasi sasalang ka sa BEAUTY CONTEST at kailangan daw ng support kaya di ako nagdalawang isip na tumulong ng walang kapalit. 🥹💔,” pagsisiwalat ni Rosmar.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo