Joshua Garcia at Andrea Brillantes Magtatambal Sa Isang Special Project!

Miyerkules, Marso 1, 2023

/ by Lovely


Masayang ibinahagi ng aktres na si Andrea Brillantes sa kanyang social media accounts ang balitang magsasama sila ng aktor na si Joshua Garcia sa iisang special project.


“Secret’s out! 🙈 I can finally share that I’ve been working with @garciajoshuae for a special project! He’s an amazing actor, super hanga ako! Super excited to work with him more 😉 abangan n’yo ang #JoshDrea!,” masayang caption ni Andrea sa kanyang Instagram post.


Gayunpaman hindi pa rin sinasabi ni Andrea kung anong klaseng special project ito. Kung commercial ba, pelikula o teleserye.


Subalit, marami na sa mga tagahanga nila ang hindi na maitago ang excitement para sa tambalang JoshDrea.


Kasalukuyang abala si Joshua sa taping ng “Unbreak My Heart,” na siyang kauna-unahang kolaborasyon ng GMA Network at ABS-CBN kasama pa ang Viu Philippines.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo