Daniel Padilla Naiyak Sa Harap Ng Kabaong Ni Andrei Sison Sa Huling Araw Ng Burol Nito!

Huwebes, Marso 30, 2023

/ by Jerome

 


Naging emosyonal ang actor na si Daniel Padilla sa huling araw ng burol ngayon ng pumanaw na GMA Sparkle artist na si Andei Sison.


Si Andrei Sison kasi ay pinsang buo ni Daniel Padilla at sa huling araw nga ng burol nito ay makikita si Daniel Padilla na naka all black ang suot habang mag-isa sa harap ng kabaong ni Andrei Sison.


Makikita pa sa video na bagamat nakatalikod nga si Daniel ay kitang-kita parin ang kanyang labis na paghihinagpis sa pagpanaw ng kanyang pinsan na si Andei Sison.


Ibinahagi din ng mga kapatid ni Daniel Padilla na sina Carmela at Magui Ford ang mga masasaya nilang alaala kasama ang pinsan nilang si Andrei.


Caption naman nila sa ibinahaging video, "I would do anything to laugh with you again. You will forever be missed angel."


Maging ang Ina nilang si Carla Estrada na itinuturing din parang tunay niyang anak si Andrei ay nagbigay din ng emosyonal na mensahe.


Ayon nga kay Carla, "When we lose someone we love we must learn not to live without them, but to live with the love they left behind."


 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo