Rendon Labador Gagawing Libre Ang Entrance at Unli Drinks Ang Grand Opening Ng Kanyang Restaurant Para Sa Mga Fans Ni Coco Martin!

Huwebes, Marso 30, 2023

/ by Lovely


 Inanunsyo na ng self-proclaimed motivitional speaker at social media personality na si Rendon Labador na muli niyang bubuksan ang isiniradong restaurant ilaw araw matapos ang grand opening.


Sa kanyang post, sinabi ni Rendon na muling bubuksan sa publiko ang Episode Bar + Kitchen sa Quezon City. Hindi tulad ng nakaraang grand opening, magiging libre na ang entrance nito at may unlimited drinks na para sa kanyang mga bisita.


Ipinahayag pa ni Rendon Labador na para sa mga tagahanga ni Coco Martin ang kanyang pag-aalok siya ng libreng entrance at drinks.


“Babangon tayo ng mas malakas! Para malaman ninyo na business lang at walang personalan. Sa lahat ng Coco fans ililibre ko na ang entrance ninyo at free unlimited drinks pa! Para sa inyo ang party na ito.


Matatandaan na ipinahayag noon ni Rendon Labador na mahihirap at palamunin ang mga fans ni Coco Martin dahil hindi naafford ng mga ito ang kanyang 2k ticket price.


Samantala, magaganap ang re-opening ng number 1 sports bar restaurant ni Rendon Labador sa darating na March 31 at April 1 2023.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo