Enchong Dee Nag-I Love You Kay Kaladkaren!

Huwebes, Marso 30, 2023

/ by Lovely


 Nagpahayag ng pagmamahal at pasasalamat ang aktor na si Enchong Dee sa kanyang movie co-star na si Kaladkaren sa media conference ng kanilang upcoming film.


Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Metro Manila Film Festival (MMFF), magdaraos ng summer film fest ang film festival body ngayong taon. 


Isa sa mga entry na ipapalabas sa mga sinehan para sa Summer MMFF 2023 ay ang pelikulang Here Comes the Groom na pagbibidahan ni Enchong Dee. Kabilang din sa cast ang YouTube vlogger at impersonator Jervi Li na mas kilala bilang si KaladKaren.


Samantala, sa media conference, nagpahayag ng pasasalamat si Enchong Dee sa KaladKaren. Binigyang-diin niya na very generous ito sa pagtulong sa kanya kung paano i-deliver ang kanyang pag-arte sa ilang scenes.


“Bawat eksena, gigisingin pa siya ng production to ask him kung paano gagawin eksena ko. Ganun siya ka generous!”


Tinapos ni Enchong ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanyang co-star na “I love you” nang maraming beses – na sinagot naman ni KaladKaren. 


Sa kabilang banda, nagpahayag din ng pasasalamat si KaladKaren kay Enchong sa pagtulong din sa kanya sa pagganap sa papel ng isang lalaki. 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo