Cristy Fermin Nagbigay Reaction Sa Pagtatawag Ng Kunsintidora Kay Yassi Pressman!

Lunes, Marso 20, 2023

/ by Lovely


 Sa latest episode ng programa ni Manay Cristy Fermin na Cristy Ferminute, muli nilang napag-usapan ang relasyon na nabunyag  nina James Reid at Issa Pressman.


Maging ang pagkakadawit ni Yassi Pressman sa isyu ng dalawa bilang kunsintidorang kapatid kay Issa at isang traydor na kaibigan naman ni Nadine Lustre.


“Pati si Yassi na wala namang intensyon na makialam at makipag-away, nadadamay ngayon dahil ang sabi, 'Kunsintidora kang kapatid,'” pahayag ni Cristy Fermin.


Ayon naman kay Romel Chika, isang kasamahan ni Cristy Fermin, na hindi pa naman sigurado kung may alam nga ba si Yassi sa tinatagong relasyon umano nina James Reid at Issa Pressman noon.


“Hindi naman saklaw ni Yassi kung ano 'yung namamagitan kay James Reid at saka kay Issa diba? Malay ba niya dati, diba?”


Ayon pa kay Cristy Fermin, na naiintindihan niyang ipagtanggol ni Yassi ang kanyang kapatid, base sa isang cryptic post na inilabas ng aktres kamakailan lang.


“Alangan namang kapitbahay ang magtanggol kay Issa. Natural 'yung kadugo ang tatakbo to the rescue sa kanyang kapatid, diba?” pagpupunto ni Manay Cristy Fermin.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo