Cristy Fermin Inilabas Ang Nakarating Sa Kanyang Attitude Ni Liza Soberano Sa Set!

Huwebes, Marso 9, 2023

/ by Lovely


 Nakarating sa beteran showbiz columnist na si Cristy Fermin ang balitang marami sa mga naging katrabaho noon ni Liza Soberano sa bakuran ng ABS-CBN ang umalma sa mga isiniwalat nito sa kanyang vlog at sa vlog ng aktres na si Bea Alonzo.


Ibinahagi ni Manay Cristy Fermin sa bagong episode ng Showbiz Now Na! ang ilang mga naging reaksyon ng nakatrabaho ni Liza sa produksyon partikular na ang mula sa ABS-CBN.


"Yung mga pakikitungo mo sa production people kulang na kulang ka. Kasi nga, akala mo kasi alipin lang itong mga katrabaho mo dahil ikaw ang reyna," saad ni Cristy Fermin.


Isiniwalat pa nina Cristy maging ng mga kasama nitong sina Romel Chika at Wendell Alvarez, sana'y naisip ni Liza ang mga production people din umano ang nagbibigay komento sa mga artistang kanilang nakakatrabaho kung nais pa nilang kunin muli ito sa mga susunod na proyekto.


"'Di ba ang pumapalaot na kwento ngayon? Hangga't hindi ka kukunan ayaw mong bumaba ng sasakyan kasi naka-aircon ka," pambubulgar ni Cristy Fermin na nalaman umano niya sa isang nakatrabaho dati ng aktes.


Mananahimik na lamang umano ang mga ito kung hindi na lang sana naglabas ng vlog si Liza na tila ba'y hindi mahalaga sa kanya ang pagtatrabaho sa ABS-CBN.


"Kung wala talaga 'yung vlog, kung wala po talaga 'yung kanyang mga reklamo at pagpapawalang halaga sa mga taong nakatulong sa kanya, aabangan nalang sana natin ang Hollywood movie niya," ani Cristy.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo