Barbie Forteza at David Licauco Ay Bagong Pagbibidahan!

Thursday, March 9, 2023

/ by Jerome

 

Siguradong magpapasabog na naman daw ng kilig ang Kapuso loveteam na sina Barbie Forteza at David Licauco.


Dahil binigyang nga daw ng follow-up project ang dalawa ng GMA 7 matapos nga na pumatok ang tambalan nila sa kakatapos lang na teleseryeng Maria Clara at Ibarra bilang sina Clay at Fidel o mas kilala ngayon bilang FiLay.


Sa naganap na media con nito lamang martes March 7, ay inamin nga ng actor na si David na hindi na daw siya masyadong nakakapagpahinga matapos ang serye nilang Maria Clara at Ibarra.


Dahil binigyan daw sila agad ng kanyang ka loveteam na si Barbie ng bagong project.


Sabi nga ng Kapuso hunk actor at tinaguriang pambansang ginoo, nakapagpahinga daw siya ng kaunti pero hindi na daw siya masyadong nakapag focus sa kanyang mga naipundar na mga negosyo.


Ayon sa kanya, "To be completely honest I haven't had the time to visit my restaurants beacause my responsibility in showbiz is almost everyday, actually everyday." 


Dagdag pa ng actor, "I really, really grateful for this opportunity na I'm here in this position kumbaga busy ka although, sometimes it get's tire, it get's overwhelming."


"We just have to, actually take a rest siguro like parang setback and think to know I'm grateful, I'm very very lucky to be in this position."


Bibida kasi ang dalawa sa episodes ng Daig Kayo ng Lola Ko, na magsisimula na ngayong darating na March12.



No comments

Post a Comment

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo