Liza Soberano, Ibinida Ang Pagiging Hands on Sa Kanyang Mga Proyekto Finally Nakakuha Na Ng Independence!

Miyerkules, Marso 1, 2023

/ by Lovely


 Sa isang panayam, proud na ibinida ng aktres na si Liza Soberano ang pagiging hands on niya sa kanyang mga bagong proyekto na hindi umano katulad noong nasa ABS-CBN pa lamang siya.


Sa launching ni Liza Soberano sa launching ng kanyang Maya endorsement, ipinahayag ni Liza sa ilang nakausap na reporters ang kaibahang ng kanyang bagong bagong management.


Bukod sa pagiging endorser, itinalaga rin si Liza bilang Chief Advocacy ng Maya na tumutulong sa Save The Children Philippines.


"Now that I've grown and gain my independence, I realize that I rather do more meaningful work with purpose and intentions than have like a bunch of different work that I'm not kind of proud of," bahagi ng naging pahayag ni Liza.


Samantala, nilinaw naman niya na grateful pa rin siya sa ABS-CBN kahit pa pakiramdam niya ay nakakulong lamang siya roon sa isang kahon at naging sunod-sunuran sa mga kagustuhan ng management.


Matatandaan na umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang ipinalabas na vlog kamakailan ni Liza Soberano kung saan ipinahayag niya ang kanyang totoong nararamdaman sa loob ng pagtatrabaho niya sa dating management at sa ABS-CBN.


Sa gitna ng bashing, nagpakita naman ng pagsuporta sa aktres ang kanyang ama at ang bagong manager na si James Reid.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo