James Reid Ipinagtanggol Si Issa Pressman Sa Mga Bashers Na Sinabing Ahas Siya!

Linggo, Marso 19, 2023

/ by Lovely


 Sa gitna ng pambabatikos na natatanggap ngayon ni Issa Pressman dahil sa pag-amin nila ni James Reid sa kanilang relasyon, naglabas na ng pahayag si James at ipinagtanggol si Issa.


Ayon sa inilabas na statement ni James Reid, sinabi niyang walang katotohanan ang mga ipinupukol na isyu  kay Issa. Bagama't hindi umano niya ugali ang pumatol sa mga bashers subalit, kailangan umano niyang linawin ang isyu ngayon.


"I'm only gonna say this once. The past rumors about Issa are just that, rumors," saad ni James.


Dagdag pa ni James na nagsisimula pa lamang ang something beautiful nila at sinabing masayang-masaya siya ngayon.


"I usually NEVER address bashers or get involved in hate culture but I feel the need to speak up now because this is the start of something beautiful. And I'm not gonna let anyone take that from me."


"All you need to know from me is that im the happiest I've ever been," pagpupunto ni James.


Sa pahayag na ito ni James tila pinabulaanan niya ang isyung matagal na silang magkarelasyon ni Issa at ito ang naging third party sa hiwalayan nila ng dati niyang kaloveteam at girlfriend na si Nadine Lustre.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo