Anak Ni Jalosjos Na Si Mayor Bullet Jalosjos Nagsalita Na Hinggil Sa Isyu Ng Eat Bulaga!

Martes, Marso 7, 2023

/ by Lovely


Si Mayor Bullet Jalosjos ang siyang nakaupo bilang bagong treasurer ng TAPE Incorporated at siya rin ang siyang nakikipag-ugnayan at direktang nakikipag-usap sa GMA Network.


Tila nakarating na rin sa kanila ang mga bulong-bulungan online hinggil sa bagong pamamahala nila sa TAPE Incorparated.


Kaya naman sinagot na ni Bullet ang ilan sa maiinit na isyu na kumakalat ngayon online. Isa na rito ang kumakalat na poster kung saan makikitang si Willie Revillame ang siyang papalit sa TVJ at ang dating show na Eat Bulaga ay magiging Wow Bulaga.


Ayon kay Bullet isa malaking kasinungalingan ang poster wala rin umanong kinalaman si Willie Revillame sa nagaganap na rebranding ng noontime show.


Dagdag pa nito na magpapatawag sila ng isang media conference upang ipahayag ang mga pagbabago sa pamunuan ng TAPE Incorporated at sa noontime show na Eat Bulaga.


Dito rin nila isisiwalat ang bagong format ng show base sa mga napagkasunduan ng mga executives.


"No, not true, for the record po. We will have a presscon soon and answer all issues facing the company. At the same time, present a new format na mangyayari as agreed upon all the executives."


Samantala, hindi naman nagbigay ng pahayag si Mayor Bullet sa isyung pagpapatalsik nila sa original hosts ng Eat Bulaga na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo