Enrique Gil Nililigawan Na Ng Kapuso Executives Para Lumipat Sa GMA!

Martes, Marso 7, 2023

/ by Lovely


Maraming mga netizens ang nagulat sa ibinahaging update ng GMA sa kanilang Twitter account at Facebook pages tungkol sa aktor na si Enrique Gil.


Nauna na rito ang paglabas ng mga haka-hakang lilipat na sa GMA Network ang aktor matapos ang paglipat ni Liza sa Amerika upang ipursue ang pangarap sa Hollywood.


Napabalita pang gagawa ito ng teleserye kasama ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera dahil magbabalik teleserye na umano ito.


Tila kinupirma na ito mismo ngayon ng GMA dahil makikita sa kanilang pages ang mga larawan ng aktor na tila nagpapahiwatig na isa na itong ganap na Kapuso ngayon.


Gayunpaman, wala pa ring opisyal na pahayag si Enrique Gil hinggil sa isyung ito. Wala ring pormal na anunsyo ng GMA kung sakaling nasa bakuran na nga nila ang aktor.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo