Liza Soberano Isang Malaking Ilusyunada, Sey Ni Lolit Solis!

Lunes, Marso 13, 2023

/ by Lovely


 Muling naglabas ng saloobin si Manay Lolit Solis laban sa aktres na si Liza Soberano kasunod ng mga isiniwalat nito patungkol sa kanyang pagkatao.


Ayon kay Manay Lolit Solis isang napakalaking ilusyunada umano nitong Liza Soberano.


Ayon pa kay Manay Lolit Solis na sana naman ay may makuhang leksyon si Liza sa mga kinakaharap niyang pambabatikos ngayon.


Ang nangyari rin umanong ito kay Liza ay maaari ring mapagkunan ng leksyon sa iba pang mga artista na huwag magpadalos-dalos sa kanilang mga pinagsasabi sa harap ng kamera.


Ayon pa kay Manay Lolit Solis na walang rason si Liza na magrant sa kanyang mga pinagdaanan dahil naging matagumpay naman ang kanyang showbiz career.


Maging ang kredibilidad ng bagong Manager ni Liza Soberano na si James Reid ay kinuwestiyon din ni Lolit Solis.


"Siguro naman naging aral sa mga stars na ingatan at mag-isip muna bago magsalita gaya ng ginawa ni Liza Hope Soberano. Wala naman reason para siya mag-rant o magsalita, tapos para pang utang na loob natin na pumasok siya sa showbiz."


"Bongga siya ha, ilusyonada talaga. Sana nga sumikat siya at maging super mega star of all season para magkaruon siya ng clear mind sa mga nagaganap sa buhay niya. Nice move kaya mga itinuro ni James Reid sa kanya? Tignan natin, bow," post ni Lolit Solis.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo