Paul Salas Inamin Ang Trauma Dahil Sa Hiwalayan Nila Ni Barbie Imperial!

Biyernes, Marso 24, 2023

/ by Lovely


 Aminado si Paul Salas na labis siyang naapektuhan sa hiwalayan nila noon ng aktres na si Barbie Imperial.


Isiniwalat pa ni Paul Salas ang pinagdaanan niyang trauma at sakit dahil sa nangyari sa guesting nila ng kanyang fiancee sa Fast Talk With Boy Abunda.


Bagama't hindi naman binanggit ni Paul ang pangalan ng tinutukoy niyang ex na nagdulot sa kanya ng malaking trauma agad na nakonekta ng lahat na ang  tinutukoy nito ay ang aktres na si Barbie Imperial dahil sa nabanggit na physical abuse.


Malaki rin ang pasasalamat ni Paul dahil  nawala umano ang kanyang trauma nang dumating sa kanyang buhay ang fiancee na si Mikee Quintos.


“Nung time po na pumapasok si Mikee sa buhay ko, ito ‘yung time na masasabi kong doon ko siya ni-love dahil sa understanding niya sa akin, sa patience niya sa akin dahil ‘yung past traumas ko po.


“Alam kong hindi nag-work si Dad and Mom, love ko sila both, alam kong kahit may konting bias ako nung time na ‘yun, alam kong ngayon na both silang nagkamali doon kung anuman ang naging sitwasyon na ‘yun,” pahayag ni Paul.


Naitanong naman ni Boy Abunda kung paano siya naka survive sa mga past relationship niya na magulo.


“Aminado po ako sa sarili ko, sobra pa ako sa seloso. Kasi feeling ko, konting time lang may makausap lang na ibang lalaking kaibigan ‘yung nagiging karelasyon ko, feeling ko lolokohin na ako,” pag-amin ni Paul.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo