Kilalanin ang dating aktres na nabuntis umano ng aktor na si Coco Martin

Sabado, Marso 11, 2023

/ by Sparkle

 


Isa sa pinakamahalaga at iginagalang na aktor ngayon ay ang aktor na si Coco Martin. Kilala siya sa kanyang husay sa pag-arte, mapa-teleserye man o pelikula.


Nagsimula si Coco sa indie films at dito siya unang nakilala bilang aktor at tinawag na Prince of Indie films hanggang sa tumawid siya sa telebisyon at kilala na siya bilang Teleserye King ng ABS-CBN.


Mas nakilala si Coco at kalaunan ay naging palayaw na "Cardo" pagkatapos ng matagumpay na teleseryeng "FPJ's: Ang Probinsyano" kung saan siya rin ang direktor. Naging daan ang "FPJ's: Ang Probinsyano", para makabalik ang mga dating artista sa mundo ng showbiz. 




Binigyan sila ni Coco ng pagkakataon na ipakita muli ang kanilang talento sa pag-arte. Samantala, hindi lang kilala sa pag-arte si Coco dahil hindi maikakaila ang sarili niyang kakisigan. Kaya naman maraming babae ang naaattract sa kanya.


Ito ay ang dating aktres na si Katherine Luna na nakatrabaho ni Coco sa Indie Film na "Masahista" noong 2005. Naging close ang dalawa at sinasabing nagkaroon ng relasyon. Sa mga panahong iyon ay nabuntis din ang aktres.


Sa panayam ni Tito Boy Abunda kay Coco, inamin nitong may nangyari sa pagitan nila ni Katherine pero never silang nagkaroon ng relasyon.




“Nagsimula 'yon, nagkamali ako, bata. Mapusok, ito pala ang showbiz. Masaya, puno ng temptasyon. May nangyaring isang bagay na hindi maganda, tapos, nag-start na lahat dun.”


“Magkasama lang kami sa movie. Hindi ko siya girlfriend. Labas-labas, dala ng kabataan. May nangyari na hindi namin inaasahan pareho,” dagdag ni Coco.


Ikinuwento rin ng aktor kung paano sinabi sa kanya ni Katherine na buntis siya.




“Noong time na sinabi niya sa akin na nagdadalang-tao siya, hindi ako nagtanong na parang akin ba ‘to? Ang sabi ko sa kanya, 'Ano ang gagawin natin? Ano ang maitutulong ko sa ‘yo?' Kasi, wala kaming relasyon."


“Ano pa ko non, college. Ang sabi ko pa, ano unang maitutulong ko, vitamins? Anong vitamins sa buntis? Kasi, 'yon ang unang naisip ko, pagkain.


“Na kailangan niya ng pagkain. Wala pa kong trabaho nun, paraket-raket lang ako sa mga pelikula, pa-indie-indie. Tapos 'yon, tutulungan ko siya sa abot ng makakaya ko.




“Noong akala ko, ganoon ang set-up namin, tutulungan ko siya sa abot ng makakaya ko kahit wala kaming relasyon. Pero kailangan kong panindigan kasi, sabi ko nga, ayokong maranasan ng magiging anak ko ang naranasan ko na walang nagga-guide sa akin kung hindi ang lola ko dahil separated ang parents ko.”


Aniya, sa lahat ng mga panayam kay Katherine, sinasabi nitong si Coco ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. Kaya naman umani ng batikos at masasakit na salita mula sa mga netizen ang aktor.


“Sinabi niya sa lahat ng interview niya na 'Ang ama ng anak ko, si Coco Martin. That time, hindi pa ko kilala. Lahat ng panlalait, lahat ng masasakit na salita, inabot ko.”




“Sabi ko nga, nagsisimula pa lang ako, ang dumi-dumi na ng pangalan ko. Hindi pa ko nakikita ng mga tao kung sino talaga ko, sira na ko. Siyempre, kapag lalabas ako sa bahay, nakabuntis ka raw? Hindi mo pinapanindigan?”


“Hindi alam ng mga tao, kaakibat nun, inakusahan ako ng ganun, ginagawan ako ng responsibilidad ko.”


Dagdag pa ni Coco, hindi niya pinabayaan si Katherine. Kahit nanganak na siya, nandoon pa rin ang aktor. Pero iba ang sinasabi ng aktres sa mga panayam.




“Ilang beses akong nag-try mula ng pagka-buntis niya. Hanggang ilang buwan yung dinadala niya sa tiyan. Hanggang sa nanganak siya, nandoon ako. Pero sa interview niya sa TV, wala ako,” sabi ni Coco.


“Ako naman, bilang lalaki, ayokong patulan. Ayokong i-defend ang sarili ko. Kasi, para sa akin, hindi ako ganoon, e. Hindi ko dapat i-defend ang sarili ko kasi, alam ko ang totoo.


“Hanggang sa dumating ang time na nanganak na siya. Nag-try ako, every time na ginagawa ko ang part ko, masasakit na salita ang sinasabi niya sa TV.”




“Hanggang sa dumating ang time na nagsu-shooting ako ng Born To Love You sa Luneta, dinala niya yung bata at saka yung lola.”


“Ang ginawa ko, kinausap ko sila. Ang gusto kong mangyari, kumbaga, ibigay ko ang pinaka-best ko sa magiging anak ko. Hanggang sa kinausap ko na ang lola na parang kung maaari, kung ibibigay nila sa akin para kahit paano, mabigay ko ang tamang guidance, mabigay ko ang pangangailangan niya.


“And then, sa sobrang excited ko, tinawagan ko ang manager ko, si Maderbibs (Biboy Arboleda) na Mader, sabi ko, kausap ko ang bata, puwede ko nang makuha ang bata.




“Sabi ni Maderbibs, parang teka lang, hindi ganoon kadali ‘yan. Kailangang idaan natin sa legal na situwasyon. Kung talagang gusto mo, kausapin natin. Ipa-DNA natin.”


Pumayag ang lola na ipa-DNA test ang bata.


“Ang result, negative. Hindi ko anak ang bata,” sabi ni Coco.




Nasaktan din daw siya sa resulta ng DNA test.


 “Honestly, nasaktan ako dahil bumalik sa akin ang lahat ng nakaraan. Sabi ko nga, lahat ng salita na nakuha ko sa iba’t-ibang tao.”


“Pati lola ko, nahihiyang lumabas dahil napaka-iresponsable kong tao. 'Yon ang tingin sa akin ng mga tao.”




“At sana, naisip din niya ang bata. I’m sure, lahat ng kalaro niya, kapag napapanood niya ko sa TV, ‘yan ang Daddy ko. Parang hindi lang ako. Kumpara, ang laking damage ng nangyari.”


“On my part, gusto kong akuin ang bata. Siyempre, wala siyang kasalanan. Hindi ko rin alam kung ano ang puwedeng puntahan. Paano na ngayon, yung pinaka-inaasahan niyang hope, wala pala.”


Matagal ng nawala si Katherine sa mundo ng showbiz. Ang pinakahuling balita sa aktres ay nahulihan siya kasama ang live-in partner na gumagamit ng ilegal na droga.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo