Xian Gaza Sinabing Ang 10-20% Commission Lamang ni Ogie Diaz Kay Liza Ang Nakikita!

Martes, Pebrero 28, 2023

/ by Lovely


 Umaani ngayon ng samut-saring pambabatikos ang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz matapos ang isiniwalat ni Liza sa kanyang This is Me vlog na ipinalabas niya sa kanyang Youtube Channel.


Tila ipinagtanggol naman si Ogie Diaz ng kanyang kumpare na si Xian Gaza sa gitna ng mga pambabatikos na natanggap niya ngayon mula sa mga solid supporters ng aktres.


Base sa pagsisiwalat ni Liza, tila ginawa lamang siyang sunod-sunuran ng dating management at ni hindi man lamang hiningian ng input.


Kaya naman tumaas ang kilay ng mga supporters ni Liza sa manager nitong si Ogie Diaz.


Samantala ayon kay Xian, hindi umano nakikita ng publiko lalo na ng mga bashers ang naitulong ni Ogie sa pag-usbong ng showbiz career ni Liza. 


Ang iniisip lamang umano ng mga ito ay ang kinikita ni Ogie mula sa pagiging manager ni Liza na inaakala raw ng marami na siyang pinang hihinayangan nito.


"Pareng Ogie, bina-bash ka nila at tinatawag na mukhang pera. Nanghihinayang ka daw sa kikitaing pera kay Liza kaya ka kumukuda. Hindi kasi nila alam na wala ka ng kinita kay Liza sa huling dalawang taon ng inyong kontrata," saad ni Xian Gaza.


Dagdag pa ni Xian, "Hindi kasi nila alam na tinuruan mo siyang mag-invest sa mga lupa lupa kaya nag-x3 yung kinita niya sa pag-aartista. Ang nakikita lang nila ay yung 10-20% commission mo bilang manager."


Sa huli hiling ni Xian na sana ay hindi masira ang matagal nang pagkakaibigan ng dalawa dahil lamang sa isyung ito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo