Star Cinema Imbyerna! Liza Soberano Laos Na at Walang Utang Na Loob!

Martes, Pebrero 28, 2023

/ by Jerome

 

Trending nga ngayon si Liza Soberano matapos itong maglabas ng kanyang hinaing sa ilang taon niyang pagiging talent ng Star Magic at Kapamilya network. 

Tila apoy nga daw na mabilis kumalat sa social media ang pagbabaliktanaw ni Liza sa kanyang career sa loob ng 13 years.

Ayon nga sa kanya ay umikot lang sa tatlong janra ang mga project na ginawa niya, ito ay ang romance, comedy at drama. 

Sapol din daw ang real life partner niyang si Enrique Gil na ayon kay Liza ay natali siya sa iisa lang na kapareha.

Kahit daw na nagbigay ng kasikatan, pera at kaliwa't kanan na oportunidad ramdam daw ni Liza na nagmukha lang daw siyang palamuti sa dating Network.

Samantala, hindi naman ito pinalampas ng mga dating nakatraho ni Liza noon dahil parang lumalabas daw na hindi nga tumatanaw ng utang na loob ang actress sa kanila.


Kaya birada ni Mico Del Rosario isa sa namamahala sa Star Cenema at ABS-CBN Entertainment production, "Hiyang hiya naman ako sa statement, parang walang na ambag sayo at all ah, kayo talagang mga kayo. hahahaha."


Nagbigay din ng mensahe ang isa sa mga naging writer ni Liza na si Mark Duane Angos saad niya,"A friend asked me if I was hurt by Liza's Insinuation that we boxed her so hard that it drove her away from our industry."

"That's a horrible take, what I got from the vlog was a person trying to figure out herself out. To be fair she's only starting to dip her toes in to writing."

Komento tuloy ng iba sa mga netizen ay naging negatibo tulad nalang ng minumura siya at sinasabihan siya na engrata at meron din namang nagsasabi na laos na siya. 

Dahil wala daw nangyari sa kanyang Hollywood dream, kaya ang kanya binabalikan ngayon ay ang network na nagpasikat sa kanya. 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo