Xander Arizala, Inamin Ang Pagsisisi Sa Pagpapalit Katauhan Bilang Xander Ford!

Linggo, Pebrero 26, 2023

/ by Lovely


 Inamin ni Xander Arizala na malaki ang pagsisisi niya matapos baguhin ang kanyang katauhan bilang si Xander Ford.


Ayon pa sa kanya na kung maari lamang baguhin ang nakaraan, isa ito sa mga babaguhin niya sa kanyang buhay.



Matatandaang unang nakilala si Xander Arizala ng publiko bilang Marlou Arizala hanggang sa nagpalit ito ng screen name at naging si Xander Ford matapos ang kanyang pagpaparetoke. 


Ngayon naman, ipinakikilala niya na ang kanyang sarili bilang si Xander Arizala.


Sa nasabing panayam, naitanong kay Xander ang tungkol sa maraming bagay sa kanyang buhay kabilang na ang kanyang opinyon tungkol sa posibilidad na malaman ng kanyang anak, ang mga kontrobersiyang kinaharap niya noon sa buhay.


“Actually, hindi ako natatakot na makita niya ‘yun. Bagkos, mas gusto ko pang malaman niya ‘yun. Kasi kung malalaman niya ‘yun, makikita niya dun palang sa nangyari sa akin na hindi lahat ng tao pumapabor sa sitwasyon namin."


"At maiitindihan niya at mauunawan niya — kahit anong mangyari sa kanya — lalaban at lalaban siya. Kasi nga lumaban ako para sa pamilya ko eh, ‘di ba? What more pa kaya siya?” pahayag ni Xander.


Dagdag pa ni Xander na maari naman niyang ipaliwanag ng maayos sa kanyang anak ang mga nangyari at isa umano ito sa mga aral na maaring matutunan ng kanyang anak.


“Ipapaliwanag ko sa kanya na maging masama man ‘yan o mabuti, lagi mong dadalhin si Lord sa puso mo. Kasi noon kasi hindi ko nagawa ‘yan sa sarili ko eh."


"Nakalimutan ko si Lord God eh. Kumbaga kinain ako ng mundo, ng panahon. Kumbaga, nakisabay ako sa uso eh. ‘Yun ang mga gusto kong makita niya na huwag niyang gagawin.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo