Awra Briguela, May Resbak Sa Mga Nanlait Sa Kanyang Post Online!

Lunes, Pebrero 27, 2023

/ by Lovely


 Naging mainit na usapin sa social media ang ibinahaging sexy photos ni Awra Breguela sa kanyang social media accounts.


Kung saan ibinida niya sa kanyang post ang seksing bikini outfits sa beach.


Agad itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens, kung saan karamihan sa mga komento ay puro panlalait at pambabash sa kanya.


May isa pang netizen na tila galit na galit kay Awra kung pintasan ang itsura nito sa kanyang  beach photos kung saan ibinandera niya sa kanyang sexy photos ang kanyang colorful two-piece bikini.


Ilan sa mga panghihiya kay Awra ay mga komentong “bato-bato” ang katawan nito. 


May tumawag pa sa kanya ng pangalang 'Raul' na pangalan ng isang lalaki at panglalait sa kanyang body parts tulad ng puwet at kili-kili.


“Awra may pa-puwet, pinagkamalang si Nadine Lustre. Wow naman Nadine talaga. Hehehe. Wag naman malayo eh,” pamba-bash pa ng isang netizen.



“Kaya hindi na ako nagamit ng Facebook, eh. Apaka daming perfect na akala mo ang popogi at ang ganda nila. Jusko," sagot namang tweet ni Awra.


May nagkomento pa nang, the design is very maitim ang kili-kili at kung ano-ano pa.


“NALAMAN LANG YUNG WORD NA ‘THE DESIGN’ APAKA DAMI NILANG DESIGN SA BUHAY,” resbak naman sa kanila ni Awra.


Agad naman itong niresbakan ni Awra sa pamamagitan ng pagpopost ng poging larawan ng basher.


Narito ang Instagram post ni Awra.

https://www.instagram.com/p/Cow9cC2Bdy0/?utm_source=ig_web_copy_link

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo