Kylie Padilla Ipinagtanggol Ang Bagong Jowa ni Aljur Abrenica na Si AJ Raval!

Linggo, Pebrero 26, 2023

/ by Lovely


 Sa wakas ay nagsalita na ang Kapuso actress na si Kylie Padilla at ibinunyag na hindi talaga si AJ Raval ang dahilan ng hiwalayan nila ni Aljur Abrenica.


Sa isang Facebook live ng aktres sinagot niya ang lahat ng tanong tungkol sa relasyon nila ng estranged husband na si Aljur. 


Nagsalita din siya tungkol sa pagkakasangkot ni AJ Raval sa kanilang paghihiwalay.


Inamin din ni Kylie sa isang video na ibinahagi ng online personality na si Senyora na masaya siya sa kanyang buhay ngayong naghiwalay na sila. Sinabi rin niya na approve siya sa relasyon nina AJ at Aljur.


“I am really happy po. Kasi po pag mahal niyo ang isang tao ayaw niyo pong makitang malungkot ang taong yun and after po ng nangyari samin after ng pandemic ayoko po na ever maramdaman namin yun and siya din,” pag-amin ni Kylie.


“So kung saan po siya masaya at kung sino po ang magpapasaya sa kanila I want them to take care of it and be happy kasi siya po ang kahati ko sa mga anak ko eh."


"So dapat masaya din yung tatay nila para buo yung mga anak ko,” dagdag pa ng aktres.


Muli ding ipinunto ng aktres na hindi talaga si AJ Raval ang naging dahilan ng hiwalayan nila ng kanyang husband. Naawa na rin umano siya rito sa hatid na stress ng isyu.


Hiling pa niya sa publiko na sana ay tigilan na nila si AJ Raval dahil alam umano niyang nahihirapan na rin ito sa sitwasyon nila.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo