Willie Revillame Pursigidong Makuha Si Miles Ocampo Sa Eat Bulaga! Bossing Vic Nag-React!

Huwebes, Pebrero 23, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan pa rin sa iba't-ibang entertainement sites ang ipinamalas na galing ni Miles Ocampo sa kanyang pagganap sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Batang Quiapo.


Ginampanan ni Miles Ocampo ang papel ng ina ni Coco Martin. Siya ang batang version ng papel na ginagampanan rin ni Cherry Pie Picache.


Bagama't maikling panahon lamang ang kanyang pagganap marami pa rin ang naka-appreciate sa galing na ipinakita ni Miles Ocampo sa kanyang pagganap bilang ina ni Coco Martin.


Nagbigay daan rin ang role niyang ito sa marami pang opportunities at endorsements sa kanyang trabaho.


Sa ngayon ay kabi-kabila na ang mga offers kay Miles Ocampo mapa guesting man o endorsements ng iba't-ibang produkto.


Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon na maging ang host na si Willie Revillame ay napahanga rin sa galing na ipinakita ni Miles Ocampo sa teleserye nila ni Coco Martin.


Noon pa man ay napapansin na umano ni Willie Revillame ang potensyal ng isang Miles Ocampo, hindi lamang sa pagiging host kundi sa pagganap na rin sa iba't-ibang roles.


Hindi rin umano ipinagkaila ni Willie Revillame ang kanyang kagustuhang kunin si Miles Ocampo bilang isa sa mga talents ng AMBS AllTV. Particular na sa show ni Willie sa bago nitong studio.


Nagbigay na rin umano ng abiso sina Kuya Will sa manager ni Miles na si Maja Salvador. Subalit, hindi pa umano tumutugon ang kampo ng aktres.


Bagama't wala pang tugon, hindi pa rin pinanghihinaan ng loob si Kuya Wil na mapapasama sa kanyang show sa AMBS si Miles Ocampo.


Lalo pa't naka open contract lamang ito sa GMA7.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo